Flying to the US during Pandemic
Okay, I've heard horror stories coming to the US especially if you're Filipino. May mga nakilala ako thru Bureau of Immigration's FB page sa post nila regarding Non-Essential travel. Mga nakatanungan usually about travel insurance. Merong mga nakaalis ng Pilipinas at pagdating ng America eh grabe dinanas. Nakarinig ako ng may na-hold sa Immigration ng 6 hours, kinuha ang cellphone. Hindi ito sa iisang tao lang ha. Sa mga kasabay pa nila ibang Pilipino sa flight at yung iba may mga kakilala din na inabot naman ng 3 hours, and same kinuha ang cellphone. So kinabahan ako na paano kung mangyari saken yon? Naisip ko naman, wala naman akong itatago baket ako kakabahan? Pero kase, takot talaga ako sa mga interviews. Mapa-trabaho yan, or sa Embassy, sa Immigration or kahit sa school. May phobia ako sa interviews. Nauutal ako at naba-blanko ako. Anyway eto naman ang experience ko. November 19 I arrived the airport 8ish at ang flight ko was 11:50pm, Korean Air. ...