Flying to the US during Pandemic

Okay, I've heard horror stories coming to the US especially if you're Filipino. 

May mga nakilala ako thru Bureau of Immigration's FB page sa post nila regarding Non-Essential travel. Mga nakatanungan usually about travel insurance. 

Merong mga nakaalis ng Pilipinas at pagdating ng America eh grabe dinanas. 

Nakarinig ako ng may na-hold sa Immigration ng 6 hours, kinuha ang cellphone. Hindi ito sa iisang tao lang ha. Sa mga kasabay pa nila ibang Pilipino sa flight at yung iba may mga kakilala din na inabot naman ng 3 hours, and same kinuha ang cellphone. 

So kinabahan ako na paano kung mangyari saken yon? Naisip ko naman, wala naman akong itatago baket ako kakabahan? 

Pero kase, takot talaga ako sa mga interviews. Mapa-trabaho yan, or sa Embassy, sa Immigration or kahit sa school. May phobia ako sa interviews. Nauutal ako at naba-blanko ako.


Anyway eto naman ang experience ko.

November 19 I arrived the airport 8ish at ang flight ko was 11:50pm, Korean Air. 

Ang konti ng tao sa airport sa totoo lang. Pero dahil hindi ako makapag check in online, inagahan ko ng punta sa airport. Ayun, may pila ang check in counter nila, hindi pa sila open nung dumating ako eh. Siguro almost 9 na rin nung magbukas sila. 

Sa check in counter pa lang hinanap na nila requirements ko (RT-PCR test with negative result, Travel & Health Insurance with COVID-19 coverage, at yun health declaration from IATF), binigay ko lahat. Yun ate sa unahan ko hindi nakasakay, ang intindi ko paso na yun result ng covid test nya. So please guys, check nyo parati ang lugar na pupuntahan nyo or airline nyo kung ano mga requirements nila and pay attention to it. Korean Air requires negative test within 48 hours. Meron sila accredited hospitals, so just go there. I had mine in Manila Doctors kase sa list nila ang MaDocs lang nag-ooffer ng 24 hours result. 

Tapos tinimbang na maleta ko and ok on to the next window tayo. 

So pumunta na ako sa Immigration, hiningi muli ang requirements ko. Tinanong nila kung meron ako insurance, so pinakita ko sa kanila. BTW, kumuha ako sa Trawick. Nung ok na, kukunan ka nila ng picture, and need ibaba ang mask. 

Diretsto na sa x-ray and then hinanap ko na ang gate ko. 

Pero naghanap muna ako makakainan at wala na daw makikita sabi ni kuya guard near the gates. Kaya pinatulan ko na ang Starbucks paglabas ng Immigration. 

Ang mahal ng kape nila ah!

Pagdating sa gate ko, saglit na lang ako naghintay at sumakay na. 

Ok sa Korean Air, may social distance sa loob ng plane.  Hindi puno ang flight pero hindi rin konti ang sumakay. Pero yun pwesto ko wala ako katabi. Meron na agad tubig sa upuan pagdating ko. Sinubukan ko matulog sa flight. 

November 20: 
Arrived Incheon mga 4ish. 

Pinatapon agad yun laman ng tumbler ko 😥

Walang open na store ako makita at sarado lahat ng drinking fountain. HUHUHU

I walked for like 1 hour para maghanap ng tindahan. Nung nakakita nako finally ng 7 Eleven, excited ako at kumuha ng water. Pagdating sa cashier, hala hindi tumatanggap ng USD, Korean Won lang daw. Ang saklap diba?! 

Finally may nag open na money changer ng 5ish. Yey water here I come!

And then lakad again, masaket na tyan ko. 

I called sister to show her the airport and to make kwento. 

Hindi rin ako makakain coz wala ako makitang familiar fast food. At kung may open, puro Korean resto, wala nga akong alam sa Korean food eh. 

I end up sa Starbucks na malayo rin. And happy ako coz they have Toffee Nut! Woot woot. 

Found the Transit Lounge, tambay. 

Tried din matulog, ang shala coz meron silang sleeping area, at may charging port ang mga ito. 

Lakad again, bought food sa Dunkin coz may open na yey! Twice ako nagpapalit ng money coz kulang ang 50USD, mahal sa airport FYI!

And finally time to board! 

Mas maluwag ang plane this time. As in solo ko ang row ko. Later on lumipat ako sa next row coz vacant and window side. 


Still November 20, American time:
Arrived LAX. 

Dito na ang traumatic experience ko. Well exagg siguro ako sa traumatic, but yeah a bit of traumatic and pinagdaanan ko. 

Of course usual, pagdating mo pipila ka sa Immigration. Ang konti konti ng tao coz madaling araw kame dumating. 

When it was my turn, usual questions: How long are you staying; How much money did you bring; Do you have relatives in the US, kung may dala daw ba ako pagkain, etc.

And then ito na, baket daw ako mag-stay ng 5 months (FYI, 4-1/2 months lang ang ticket ko), sabi ko magbabakasyon ako and ooperahan ang nanay ko and I need to be with her. Anong opera daw, I told him may Hernia mommy ko. Kelan daw, and since wala pang schedule nabigay sa mommy ko, sinabi ko kung ano lang din ang alam ko, prolly December or January. Sa isang tanong lang ako nag-lie, yon eh kung magkano ang dala kong pera. Sabi nya, pano ko daw susuportahan ang sarili ko sa loob ng limang  buwan. Sinabi ko ang totoo, na susuportahan ako ng ate ko, mommy ko at ng daddy ko. Duda sya saken. 

Tapos nung papaalisin na nya ako, biglang sabi nya kung may return ticket daw ba ako, I said  yes. Patingin daw. Ang pagkakamali ko, naiipit ko pala ang Health Insurance sa ticket ko. Bigla syang "hmm", napasabi lang ako na requirement ng Pilipinas yon. Di nya ako pinansin then sabi nya kausapin lang nya Supervisor nya. 

Pagbalik saken, sinabi nya need ako kausapin ng boss or someone. Nilagyan nya ng rubber band yun Passport ko and sinabihan akong sumunod sa kanya. 

Dinala nya ako sa room kung saan dinadala yun mga naho-hold na passengers. Nag-start na akong kabahan. Feeling ko dito na yun mga naririnig ko na kukunin ang cellphone and naho-hold ng 3-6 hors. 

Pinaupo nya muna ako at hintayin ko raw na matawag ako. 

Siguro mga 10 kame nandon, parang bank sya. May mga window and mga upuan ng mga naghihintay na matawag. 

Later on may pumasok ulet, yun pinoy na kasabay ko sa plane from Pinas pa (mag ina sila). 

Kame lang 3 ang Pilipino then puro eme na. Or di ko sure actually kung Mexicans, pero sure ako puro sila Spanish. 

May isang girl na tinawag, naririnig ko mga tanong sa kanya. 

Hinanapan sya ng return ticket at ano daw ang gagawin nya sa America. Sabi nya magsha-shopping sya at wala syang return ticket. Baket daw, sagot nya dahil hihintayin nya nanay nya at sabay silang bibili ng ticket pauwi. Dadating daw ang nanay nya in few days. Mga 15mins lang sya tinanong and pinaalis na. 

Ako ang sumunod na tinawag. Kabado. 

Same mga tanong from the other IO. 

Sinagot ko lahat ang tanong nya. Paulit ulit tinatanong saken kung baket ako mag stay ng 5 months (and again, 4-1/2 months lang ako), ano trabaho ko, ano trabaho ng nanay ko, ano trabaho ng ate ko, san sila nagtatrabaho, magkano sinasahod ko, magkano dala kong pocket money. 

Sabi ko sa bank nagwo-work ang ate ko, sa hotel/casino naman ang nanay ko. Nakakatawa lang, kase gusto nya palabasin na hindi nya kilala ang hotel. But isa sa mga panglilito nya saken, sinabi nya na nakalagay sa system nila (with matching turo sa computer nya) na magta trabaho daw ako sa hotel kung san nagwo-work mommy ko as maid. I was like, san galing yon? At akala ko ba hindi nya kilala yun hotel, pero nasa system don daw ako magwo-work. 

Sinagot ko sya ng wala akong plano magtrabaho dito sa US and uuwi pa ako dahil may trabaho ako sa Pilipinas. Sabi nya habang bakasyon daw ako. Sinabi kong hindi.

Tapos inamin ko na kung magkano ang dala kong pocket money, baket daw ako nagsinungaling nung una ako tinanong, sabi ko kinakabahan ako. Nakakatakot daw ba  yun IO, may baril daw ba sya baket need ko matakot. Sabi ko, natakot lang ako at kinakabahan. Hinanap yun pera ko, so nilabas ko sa bag ko. And hinanapan ako ng bank statement (aba hindi ako  handa dito dahil ang alam ko hindi naman ito hinahanap sa Immigration. Pati kung may letter daw ba ang doctor ng mommy ko na ooperahan sya. 

Te, pinag log in ako sa banko ko at tinignan nya kung totoo ang sinasabi ko na laman ng acct ko. 

Tapos umikot na naman mga tanong nya, walang nabago sa sagot ko dahil wala akong tinatago kahit ipa-lie detector pa nila ako. 

Sabi pa nya "You know that everything is closed because of the pandemic right?" sabi ko  yes and matagal na lang kase naka plano ang pagpunta ko na dapat nung March 2020 pa. 

Umabot din kame isang oras sa tingin ko. 

Tinanong nya din gaano ako katagal nandito nung huli kong punta, at yun before that. 

Sinabihan pa nya akong "You know, you are so nervous that it's making you lie", sabi kong hindi ako nagsisinungaling at nagsasabi ako ng totoo. 

Finally, tinatakan nya Passport ko, at sinabing kailangan umuwi ako ng Pilipinas ng end of January 2021, naoperahan man ang nanay ko o hindi. Sabi ko ok. Bago nya ibalik ang Passport ko, sabi nya "Okay, I will let you stay until April if you promise you wont come back here after a year. You should stay to your home country for a long time. Five months is not a vacation, 3 weeks, 2 weeks that's vacation. Or else your Visa will revoked, you dont want that right?" sabi ko na lang, "Yes sir, I promise". Then he handed me may Passport and I asked "so sir, I can stay until end of January?" Sumagot syang "You can stay until April"

Whew. But when I checked my Passport, 6 months ang tinatak nya. 

Halos kasabay ko lumabas yun mag inang Pinoy. Sila naman ooperahan ang anak nya dito sa US. Kung ano ano rin ang hinanap sa kanila. 

Nakakatakot you know, first time ko ma-hold. Sa 8 times kong nagpunta dito sa US, ngayon lang to nangyari. At yun mga tanong di man lang parang dahil sa pandemic, kala mo may terrorist attack kung maka tanong sila. 

And FYI, gusto ko pang umuwi pa ng Pilipinas. Di ko pinangarap magkaron ng problema dito sa US, ang hirap kaya dito. Sa Pilipinas andon ang daddy ko, may kotse ako, may bahay ako, may trabaho ako. Andon ang mga kaibigan ko. 

Comments

Popular posts from this blog

Biometrics Appointment

Zoey Isla

My first Birthday and Christmas with JD