Jason

I am in a exclusively dating relationship right now. 

Hahaha nakakaaliw. After, ewan ko na kung how many years na. I've never been in a Exclusively Dating stage. 

Yes, I date. Somehow exclusive for me, pero nakikihati. Exclusive nga ba yon? HAHAHA

So...

I didn't know na may plano pala ang nanay ko ipakilala ako sa katrabaho nya. 

When they picked me up sa airport and on our way to get dinner, banggit sya ng banggit about this "Duncan" guy. Dedma ako coz ka-message ko si Ate. Akala ko kwento lang si mommy about katrabaho nya, like her two bff's at work. 

Ilang araw na lumipas, binabanggit pa rin nya itong si Duncan. Tapos bigla nya ako tinanong kung free daw ba ako ng weekend coz off ito. 

I was like "Ha? Ipapakilala nyo ba saken yan?" OO daw. Sabi ko akala ko naman kinukwento nyo lang yan. Hahahaha 

Pero hindi pa ako handa. 

And then nung birthday ko, tinanong na naman nya ako. Pumayag nako, para matahimik. Hahaha

The next day she asked if ok lang to give my number to him, sabi ko okay. Mas better na magka-text muna kame before meeting. But he didnt text me until Christmas. He introduced himself, greeted me a merry christmas. And ni-confirm our "date" the next. We settled on 4ish, coffee date ;) he said ok na oras coz may liwanag pa or "araw", siguro para di ako masyado ginawin? Or para ma-feel safe ako na maliwanag pa.

December 26
We exchanged good mornings, I asked how was his christmas dinner with his family, he asked mine. 

I kinda told him na nasa apartment pa yun maintenance guy so he said di sya mag-speed sa pag-drive. Hahaha

He arrived few mins before 5 and nakauwi na sila mommy. And when I opened the door, whoa ang tangkad nya. Higante si kuya. I let him in and slight chika sila ni mommy. 

And we're off to Town Square for our date. While walking to his car, I asked him if he knew about the date, he said he just found out like 2 days before. Sabi ko isang linggo na sya binabanggit saken ni mommy and tinatanong kung gusto ko makipag date sa kanya. 

Nagulat ako kala ko joke lang pagturo nya ng oto nya, Yaris hatchback hehehe eh 6'4" lang naman sya. But he said comfortable sya sa car nya, I dont mind. Di naman ako natingin sa kotse, importante diba di kame mag-bus. 

Pagdating sa CBTL, he asked the barista kung ano pwede nya i-recommend, and nagulat sya nung alam ko na oorderin ko. :)

Sabi ko kung ok lang ba umupo kame kase nangangawit ang neck ko, seriously. First time ko makakilala at kausap ng ganyan katangkad, ang saket sa batok mamsh. 

Natawa sya and we found a table, so chikahan kame. Getting to know na. Siguro after 30 mins, we decided to walk. Inikot namin buong Town Square, mga 3 times siguro :p And he asked if I want to eat, shy ako so sabi ko I'm good. HAHAHAHA kaso siguro ayaw pa nya umuwi, tanong sya ano next gusto ko gawin. And totoo lang, ayoko pa din umuwi. Sabi ko gusto ko pumunta sa strip.

Naglakad kame simula MGM hanggang Bellagio. At nanood kame ng dancing fountain show tsaka kame naglakad ulet pabalik ng MGM. Past 8 na rin yon, so hinatid na nya ako pauwi. Nagutom ako pero nahiya ako sa kanya. 

Nag enjoy ako sa lakad namin. Feeling ko nagkasundo naman kame. May mga biruan na. At pati tubig ko sya na nagbayad, nakita din nya paano ako lumagok ng isang litrong tubig hahaha

December 27
Sumunod na araw di ako nag-expect ng text, alam mo na bawal umasa. Pero nag message sya before lunch. Nag enjoy din daw sya at tinanong nya kungg may gagawin ako next day, kung gusto ko pa raw ba puntahan ang Seven Magic Mountain, syampre sabi ko oo. So it's a date! 

At inaraw ara na nya ako ng dalaw sa apartment. Kasama din namin sya ng NYE. Samin sya nag-dinner. At yon na rin simula ng pag-stay ko sa kanya every weekend. Nung una isang gabi lang, naging 2 nights, naging 3 nights, hanggang natapos ang 3 day weekends nya ng March.

Sobrang gusto ko na sya. Masaya ako pag kasama ko sya, at tuwing naiisip ko na uuwi ako ng Pilipinas ng April, nakaka-sad. Pero sya parating NR. Pero sinasabi din nya na gusto nya ako kasama araw araw habang buhay. Kumbaga nagpapahaging na syang ayaw nya ako  umuwi pero wala sya sinasabi. Parati lang nya sinasabi eh araw araw kame mag-face time at mami-miss nya ako. Susubukan nya bumisita ng Manila kapag pwede na, at babalik naman din ako dito. Mga ganyan. 

Then one night si Mommy ni-caught off guard kame, tinanong nya ano status naming dalawa. Di kame nakasagot agad, nabigla kame. And sabi ba lang namin hindi pa namin napag usapan, which is true since almost 1 month pa lang naman kame dating. But sabi nanan nya, kailangan din namin pag usapan one of these days. 

At dumating yun araw na need namin mag-usap. Nasabi namin feelings namin para sa isa't isa. Na gusto ko sya, gusto nya ako. Gusto nya ako nakikita pag gising nya at pag matutulog sya, ganon din ako. Natanong nya ako pwede gawin para di na ako umuwi. Sinabi ko sa kanya.... either mag asawa ako dito or maghanap ako ng trabaho, tanong naman din nya kung mag-enroll sa school. At, sabi nya next time mag-tanong si Mommy, sabihin ko raw na Official na bf/gf na kame. Kilig naman ako. And then sabi nya "Will you sleep beside me tonight?" hatid na lang daw nya ako before sya pumasok, sabi ko oo. 

Sabi nya sana pag may problema kame or kung galit ako, magsasalita ako dahil di sya manghuhula. Magko-compromise kame. At sinabi ko namang may trust issues ako. Etc.

So, there. After more than a decade, nagka-bf ulet ako at hindi ako kabit, hindi ako sikreto. 


P.S.
We havent said the 3 magic words until mag one week kame.



Comments

Popular posts from this blog

Daiso Beauty White and Collagen

Biometrics Appointment

One year away from home