Boracay 2019

My first Boracay trip since the rehabilitation. Twice na-cancel trips ko last year dahil yun una, May, tinamaan ng rehabilitation and pangalawa, December, nasa US naman ako.

So my friends and I planned on going to Boracay since di kame matuloy tuloy last year. We booked this trip last May. Excited. Kase nakikita namin mga posts ng mga nagbo-Bora ang ganda.

Well, not the time ng punta namin. Kakaabagyo lang and inulan ng bongga ang Boracay Monday before kame pumunta. Our trip was Saturday.


We arrived Boracay before 7pm. And wow, sa port pa lang madami nang tao. Nakakaloka.

We went to Tans para mag-settle and slight mag-ready para lumabas. Had dinner at.... Andok's. Hhaaha sobrang nahirapan kame humanap ng kainan dahil sa dami ng tao. Plus gusto na namin ng madaliang kain. And then we went to Club Paraw, hmmm nakasabay pa namin ang Pubcrawl pagdating ng Paraw.


Nag-enjoy naman kame, I think lalo na ako. Hahaha na-miss ko sumayaw, and sa sobrang enjoy ko sumayaw, order ako ng order ng beer. Aba, nagulat kame ng mag bill out, 110 ang isang bote ng SanMig Apple. Manila lang teh?

Pero keri na,  hinayaan na namin. We left Paraw around midnight, balik na sa Tans.

Kinabukasan, Sunday nagulat kame sa taas ng tubig. Nawala na yun mahabang shore. Halos umabot na sa mga palm trees yun tubig, and maalon.

Lakad lang kame til Station 1, pero di na kame lumagpas pa sa Willie's Rock. We decided to go to the water na lang and mag-swim. Siguro 30minutes din, nangitim din kame. Of course, tanghaling tapat na yon. 😃

Then we decided to eat lunch na kaya umahon na rin kame. Lakad lang at pagod na pagod dahil sa tubig. And ayun, Army Navy bagsak namin, then balik sa Tans. Banlaw, labas ulet. Nag-crave sa ihaw ihaw na binawal na kaya naglakad kame hanggang Station 3 para maghanap. Voila!!! Meron sa may Talipapa. And we're all happy 😊

Nagkakatamaran lumabas for the evening, kaya bumili na lang kame ng drinks and sa room na lang kame nag-inom. But before going back to our room, nag McDo kame. Tapos, spooky nights kame. Hahahaha yung nasa seryosong topic na kame ng katatakutan nang biglang may dumaang itim na pusa sa veranda namin at tumingin sa loob. Napasigaw kame lahat. 😂😂

The next day, Monday our plan was to go to Diniwid and Puka Beach na natuloy naman namin. We first went to Puka Beach, we rented a trike and asked kuya to wait for us. 200 one way, going to Puka, nakipag deal si kuya na maghihintay sya for 1 hour just give him 500 bucks. We all agreed.

Photoshoot slight, and nag-dip din kame sa tubig. Sakto 1 hour, we left. At nagpahatid na kame sa Diniwid.

Wow ang dumi naman. 2008 pa first and last punta ko both Puka and Diniwid, pero ang Puka parang di naman nagbago. But ang Diniwid, ang dumi. And boring. Kaya naglakad na lang kame going back to White Beach, which we enjoyed naman dahil nakakita kame ng isang palm tree na magagamit for photoshoot. We enjoyed our walkg naman. At nang gutumin, Andok's again. HAHA

Bumalik kame sa room para iwanan mga gamit namin coz maliligo kame sa beach. We enjoyed our moment sa beach, we took pictures and made an "sand aquarium" and made friends with little girls. Nakakatuwa, bigla sila lumapit saken and asked if nahuli ba namin mga isda. Hahaha nakakatuwa, hanggang tumulong na sila manghuli.

After sunset, we went back to our room. Si Mike may dinner with his brother and girlfriend's family. Kaya kaming tatlo lang nila Lovely and Doki. Sabi namin mag-buffet sana kame. Pero naghanap muna kame ng bbq, kaya binalikan namin si ate.

After mag isaw, nabusog na kame. Hahahaha pero lumabas pa rin kame, gusto namin magpaka sosi ng slight.

Epic tuloy kame napunta.Happy hour sila from 6pm-12mn, 50% off on local beers and selected cocktails.

Haay Bora!

Okay, eto na ang bagong Boracay.

When you book your ticket, make sure din na meron na kayo tutuluyan in Bora. Well, you dont need it right away. Basta before you go, may na-book ka na dahil hahanapin ito when you get to the port.

The hotel/hostel/guesthouse/resort etc, will ask you to send the names of all the guests staying.

If you're coming from Caticlan, wala na free bus going to the old Godofredo Airport. You need to walk outside and meron nang pila ng trike, it costs 150bucks and for 3 persons lang. They will bring you to the port, kame sa Tabon Port and not Caticlan Jetty Port (I dont  know why). When you get to the port, they will check your reservation and need to fill the manifest. Then, pay na ng terminal, environmental and boat fee. A total of 225 pesos.

And usual pa rin when you get to Caticlan, ride a trike or e-trike, etc. We rode the e-trike, and paid 20 or 30 each.

The shore isnt like before na mahaba and malawak, coz abot na sa mga palm trees yun water hanggang mag low tide. That's when you'll see the old shore! The water isnt that clear anymore, parang ang hazy nya. Ang daming dahon dahon and basura. Yeah, we stayed sa beach for like 15 minutes and napuno ang pocket ko with plastic wrappers. We also saw a bubog sa walkway, yes pinulot po namin. At Diniwid, wow ang dami ring basura and there's a part na ang lansa ng amoy. Sana linisin din nila yun mga corals don and sea weeds. May slight kati rin sa water. It wasnt like that before, before the rehabilitation.

Goodluck walking in your bikini and wet sa road because di pa tapos ang mga kalsada and when its not raining, super alikabok. And of course, matinding mud pag basa naman.

At Station 1, marami silang ginibang establishment na hindi pa inaalis at yun mga sementadong harapan nila. So, since mataas ang tubig goodluck kung makalakad ka don. And pagdasal mong wag ka madapa dahil siguradong malalim na sugat ang aabutin mo.

There are designated smoking areas lang, and buti dumami na ulet mga trash cans. Dati madami na talaga yon, nung tumagal kumonti and now binalik. Ang dami din mga pulis na nakakalat sa island. Oh and since first time ko lang mag Andok's, Army Navy and McDonald's in Boracay ngayon ko lang nalaman na wow sa patong ang presyo nila. Hahahaha  oh well, binibyahe rin naman kase nila mga products nila.

So there, enjoy "The New Boracay"!

Oh one more thing, Koreans ang 96% na makikita mo don. 😉

Comments

Popular posts from this blog

Biometrics Appointment

Zoey Isla

My first Birthday and Christmas with JD