Lashcara Lounge

Not making a review for their lash services. But for nails.

I saw this last December on my way home. Ilang beses ko na sya gusto subukan dahil malapit lang saken and since magsasara na ang Poshnails in Perea, I need a new place for my nails.

Wala ako makitang reviews pa and price list across the web para may idea naman ako. I messaged them asking for their nail services and isang sagot lang ng their manicure ranges from 200-600.

Finally yesterday, sabi ko sige I will give it a try. Kahit puro pang lashes lang ang meron sila sa mga posts nila. Siguro sa nails, less than 5 posts. Eh, kase naman lashes talaga ang specialty yata nila. Sa name pa lang ng salon nila eh, Lashcara Lounge PH.

I went there with no appointment, meron sila 2 clients ata. Mukhang ok yun place, merong 5 or 6 ata na lazy boy, para mini moviehouse kase may 3 in front (with cup holder) and 3 or 4 sa back with side tables and curtains. I didnt take a picture, nahiya ako.

They asked anong papagawa ko, sabi ko nails. Inalok nila saken packages nila but I only want gel on hands and regular sa paa. Tumatak lang sa isip ko was 600 Php ang gel, and inalok nila ako ng foot spa, I said ok kase gusto ko rin naman. I asked if kasama na ba ang pedi sa foot spa, Ate girl said no. 😮 tinanong ko magkano, 350 Php daw ang foot spa and 250 Php ang pedi. Wow diba. Hiwahiwalay pa, first time to mapuntahan ko walang libreng pedi ang foot spa.

Anyway, sinimulan na ni Ate yun paa ko, sobrang gaan ng kamay nya pero ilang beses nya nakuskos ang buto ng ankle ko. 😖 Anyway, keri na. Hahaha di man natuyo ng maayos before I left yun kuko ko sa paa, importante nakapagpalinis ako. (diba usually pag patutuyuin pa yun nails mo, pag iiwan ka nila at least sabihan ka nila. Si ate basta ako iniwan hahahaha) I expected more para sa medyo pa-sosyal nilang pangalan and ambiance.

Anyway, yun kamay ko naman. Okay naman si ate, maayos ang gawa nya walang sabit sabit sa kuko ko, matino paglagay nya polish. But, na-cut nya ako ng nipper. At di lang balat te, laman ko tinamaan nya. ANG SAKET! Sabi nya "ay, hala" kase napa-aray ako eh. Walang gamot or ano man, punas lang ng bulak.

Ok what I noticed about this place:
- Yun first basin ginamit nila nung binasa paa ko was wood. aba medyo ok, pero mas ok sana kung may pa-petals or stones just like yun mga small nail salons.
- Yun second and third basin na, parang balde na lang ata. Hahaha
- Dapat di malakas yun sounds ng TV nila, kase dapat nakakapag relax yun clients, may tv na, may music pa.
- Nice that they offer tea/coffee. I chose water tho! Hihi
- Sana wag isa isa ang presyuhan nila ng cleaning and nail polish.
- Ate's should be more assistive.



Comments

Popular posts from this blog

Biometrics Appointment

Zoey Isla

My first Birthday and Christmas with JD