Paano na nga ba ulet ang mag-blog?
Hindi naman ako good blogger, ginawa ko lang talaga diary ang pagba-blog. Dati naman kase hindi uso yun pagalingan gumawa ng post. Noon para saken, basta may journal ako, at since tamad ako mag-sulat na sa totoong diary, at na-discover ko ang mundo ng online journal, baket di ko subukan.
Nagsimula ako 2003 or 2004. As in daily blah lang sya, and mga kilig moments ko with the ex, or mga sama ng loob ko.
Or yun mga boys ko lang after ng last relationship ko. Haha
Hanggang
nagkaron na ako ng mga kaibigan. Mga bloggers ang una ko mga naging
online friends, at kaibigan hanggang ngayon. At di na lang kame sa blog
nag uusap usap, umabot na kame sa lumalabas na kame, at nago-out of
town. Na-witness magka lovelife ang iba, maimbitahan sa kasal at maging
ninang ng mga anak. Ang galing diba?! Sino mag-aakala na ang mga taong
hindi mo nakikita noon, at nababasa mo istorya ng buhay nila at magiging
totoo mong mga kaibigan?
Nakaka-miss ang buhay blogger noon.
Hindi katulad ngayon, ang pagba-blog ay isa nang negosyo. Pagaraan ng
post, ng mga travels, mga kung anong anik anik.
At higit sa
lahat, nami-miss ko yun unang blog ko na dinilete na ng blogger. Ang
beybikulet.blogspot.com, ang dami ko memories sa blog na yan.
Oh well.
Comments
Post a Comment