It's official.
Yeah, we made it official already. We talked about it on Wednesday (03.17.21), kilig na kilig ako sa message nya.
I cant believe I am now a someone's fiance.
Nung Monday, sabi nya bibili kame ring ng Wednesday. Super excited ako, parang sya din naman. But when we arrived sa outlet, ang tanong lang nya "Do you want to go inside? Do you want to check" weird. So medyo nainis ako ayoko ipahalata. Baka kase nag assume lang pala ako na bibili kame ng ring.
But then nung evening na, ayon we talked. So sabi nya sige friday bibili na kame ng ring. And nagtingin pa kame online.
Friday came, he said punta kame sa Galleria by the Sunset kase 3 jewelry stores nakita nya. But when we got there, ay siguro 6 sila. Hahaha
Una (at di na kame nakalipat pa sa iba) namin pinasok was Zales. Buti pinay yun sales lady. Nakapag explain ako sa kanya.
So nagpakita si ate ng sets. Pero walang solitaire. I told her gusto ko ng solitaire, so she showed us mga solitaire rings nila.
Ang gaganda nung malalaking bato, and makapal. Pero ang mahal. Yun isa ko nagustuhan was nasa $2500 ata. And yun isang half carat, $999 may discount pa daw yon. So sabi ko this is it. Hahaha
Binigyan na rin nya kame ng pwede pair na wedding band.
Jason keeps asking me if gusto ko ba yun ring, I said yes.
Totoo, gusto ko talaga yun ring. Di gustong gusto, but I would settle kase ang mahal naman ng ring and wala naman ako ishe-share sa kanya. Di sya tumigil tanungin ako, nahalata na nga ni ate na nahihiya ako. Sabi nya "nahihiya ka kunin yun isa kase sya magbabayad no?!" Sabi ko oo eh.
Then sabi ni Jason maglabas daw si ate ng ring na nasa worth 1500. Ayun nung nilabas nya, napa wow ako sa isip ko. Parang "This is it". kaso namamahalan ako, kaya sinabi ko na kay Jason na masyado mahal, nakakahiya. Sabi nya "I just want you to be happy, I want you to pick the ring that you like. Because you are going to look at that ring everyday forever." Pumayag nako.
Kinuha na namin yun ring, 3/4 carat white gold. Yon lang natatandaan ko sa details nya.
BTW, meron pa isa na half carat din but it costs 2500 something, ang pinagkaiba lang nila sa 999 is may maganda klase ng bato nya, kaya may certification din sya. Yun napili ko, standard.
But, same offer. Lifetime warranty. We can resize it for free, if ever we lose the stone they will replace it for free, or if ma-cut yun ring or ma-dent or whatever they will replace it for free. Only thing di nila papalitan is kung mawala buong ring. Free cleaning too pala.
I asked Jason ano pipiliin nyang ring, di raw muna at ako ang importante. But when he's at the cashier na, nag-offer si ate na if maka 3k kame, 18 months to pay na with 0 interest. So ending, naghanap na rin ng wedding band si Jason.
Kinapos pa rin kame ng 70 bucks kaya bumili pa ako ng earing. Pero shet, ang mahal din nung ring ko, I cant believe it. Nahihiya ako sobra, pero kilig na kilig ako.
After buying the ring, nag CR kame. At ang koya mo, nakaisip na ulet ng date. On our way pala to the mall, I asked him his favorite number. Kase pinag uusapan na namin wedding date. Wala daw, sabi ko ako gusto ko ng 7 and 23. Fave ko 23 coz birth date ko and I just love 7. Anyway, we can't do it ng 23rd coz it's too soon (03/19 na yon eh). Sabi nya "I have another date, April 3, 2021; 4-3-2-1. I was like "yeah"
Nakakatuwa sya naiisip nya mga ganyan. Like 2-22-22 ngayon naman 4-3-2-1. So sana maging ok lahat para matupad namin.
Nag aya ako dinner after, sabi ko treat ko hehehe ang laki ng ginastos nya eh. Ano ba naman manlibre ako ng dinner diba.
After dinner, went back to his place, and then we video called Daddy. Nakakakilig sya nung kausap nya si daddy, sabi nya "I love your daughter sir" 😊 We showed them the ring. And dad gave us his blessings. I'm so happy.
Next, we facetimed his sister, Jen, her kids and husband and his aunt (Mom's twin). Nakakatuwa sila.
And on saturday, birthday ni Mommy. May birthday celebration mommy and naki-engagement celebration kame hahaha
Comments
Post a Comment